Manila, Philippines – Posibleng tumaas ang produksyon ng bigas sa bansa.
Sa taya ng Department of Agriculture, ang rice production ay maaring umangat ng 3.11% o katumbas ng 20 million metric tons.
Ayon kay Agricultre Secretary Manny Piñol, aabot sa 600,000 metric tons ng bigas ang inaasahang magagawa ngayong taon na dulot ng matatag na presyo ng palay, maayos na panahon at pag-angat ng magagandang kalidad ng mga binhi.
Sa datos naman mula sa United Nation’s Food and Agriculture Organization (UN-FAO), tinatayang lalawak ng 40% ang rice imports ng Pilipinas na aabot sa 1.4 million metric tons.
Facebook Comments