Rice Industry Development Act, isinusulong sa Kongreso ng isang grupo ng mga magsasaka kapalit ng Rice Tarrification Law

Isinusulong ng isang grupo ng mga magsasaka ang pagpasa ng Rice Industry Development Act kapalit ng Rice Tarrification law.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ang RTL ay higit anim na taong ipatupad ang batas.

Pero, hindi natupad ang pangakong murang bigas at mataas na kita ng mga magsasaka.

Isa umano itong malaking kabiguan dahil bumagsak ang presyo ng palay, nalugi ang mga magsasaka, nasira ang kabuhayan ng maliliit na millers at lalo pang umasa ang bansa sa imported na bigas.

Isinusulong ng grupo ang mas komprehensibong programa na tunay na magbibigay solusyon ng lokal na industriya ng bigas.

Facebook Comments