Rice Mill sa Cauayan City, Nilooban ng mga Magnanakaw!

Cauayan City, Isabela – Pinasok at ninakawan ng mga hindi pa nakikilang suspek ang isang Rice Mill kahapon, April 8, 2018 sa barangay Nungnungan Dos, Cauayan City.

Ang nasabing Rice Mill ay pagmamay-ari ni Chery Lao, trentay syete anyos, may asawa, isang Chinese at residente ng naturang barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan City, Naabutan na lamang umano ni Gerlie Palaguitto, sekretarya ng nasabing kompanya na kumalat na sa loob ng kanilang opisina ang lahat ng mga dokumento at napansin din nito ang sirang vaults at pader sa likod ng kanilang pintuan na nagsilbing lagusan ng mga kawatan.


Natangay ng mga suspek mula sa vaults ang hindi pa matukoy na halaga ng pera.

Patuloy pa rin sa isinasagawang imbestigasyon ang SOCO Cauayan City at PNP Cauayan City hinggil sa naturang panloloob.

Facebook Comments