Rice price cap, inalis na ni PBBM

Epektibo ngayong araw ay inalis na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ipinatutupad na rice price cap o ang Executive Order No. 39.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa ambush interview sa pangulo sa Taguig City.

Sinabi ng pangulo na kahit lifted na simula ngayong araw ang rice price cap ay magpapatuloy ang ayuda sa mga magsasaka at mga mahihirap na pamilyang Pilipino.


Sinabi naman ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na kasama ng pangulo sa pamimigay ng bigas sa Taguig na magpapatuloy ang food stamps program ng DSWD para sa natukoy na isang milyong mahihirap na Pilipino at pagbibigay ng tulong sa mga individual for crisis situations para makabili ng pagkain.

September 5 nang maglabas ang Palasyo ng Executive Order No. 39 at itinakda ang price cap sa P41 ang halaga ng regular milled rice kada kilo at 45 pesos naman para sa well-milled rice.

Facebook Comments