STA. BARBARA, PANGASINAN – Bubuhayin ng Department of Agriculture at ng Provincial Government ng Pangasinan ang Rice Processing Center sa bayan ng Sta. Barbara bilang pagpapataas ng produksyon ng bigas nang matulungan ang magsasaka sa lalawigan.
Ayon kay Governor Amado Espino III, sa isinagawang MOA Signing ng DA at provincial government, matagal na umanong natengga ang RPC na itinatag noon pang 2011 sapagkat marami umanong kooperatiba ang nagmanage ngunit hindi naging matagumpay.
Sinabi ni Espino, na mayroon ng 500 milyong budget ang probinsiya para sa pagbili ng palay sa probinsiya at ang 100, 000 ay pagpapagawa ng karagdagang rice facility sa bayan ng Mabini at San Quintin.
Inihayag din ni DA Secretary William Dar, na kumpara noong 2020, tumaas ngayon ang rice production ng bansa na nasa 8. 6% dahilan na rin nang paggamit ng modernong teknolohiya na ginagamit ng mga magsasaka.
Iginiit din ni DAR na pagaganahin ng kagawaran ang iba pang rice processing center sa Ilocos region sapagkat malaking tulong umano ito para sa mga magsasaka ng rehiyon.