Muling nagsawa ng Planting Festival ang MAFAR BARMM .Isinagawa ito sa Nuro Upi Maguindanao.
Naging katuwang ng MAFAR ang Upi Agricultural School.
Target ng aktibidad na makapagtanim sa 60 hektaryang lupain na pagmamay-ari ng UAS.
Bukod sa pag -iendorso ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay sa mga magsasaka ng Upi, hangad rin ng partnership ng MAFAR BARMM at UAS na maging Rice Seed Grower na sa susunod na mga panahon ang bayan ng Upi di lamang sa Maguindanao kundi sa buong Region, ayon pa kay MAFAR Assistant Minister Engr. Ismael Guiamel.
Nagpapasalamat naman si UAS School Administrator Dr. Nano Datucan sa tiwala at suporta sa kanila ng MAFAR.
Mas pinasaya pa ang programa matapos na muling nagsagawa ng Rice Plantimg Race. Karamihan sa mga naging partisipante ay mga magsasakang lumad.
Kaugnay nito, ito na ang ika-18 na bayan sa BARMM na nagkaroon ng Planting Festival ang MAFAR.
Bukod sa rice seeds namahagi rin ng mga kagamitang pansaka ang Mafar Barmm.
Layunin din ng Rice Planting Festival ay para lalo pang lumakas ang suplay ng palay hindi lamang sa Maguindanao kundi sa buong Bangsamoro Region.
(D.A)