Hindi umano kayang ibaba ng ilang rice retailers ang kanilang ibinebentang bigas kahit pa nalalapit na ang harvest season o anihan ng mga palay.
Kasunod na rin ng pagbaba ng presyo nito sa world market at pagdami ng suplay.
Ayon kay Kenneth Serrogan, rice retailers sa Pasay Public Market, sinabi nitong hindi sila basta-basta nagbababa ng presyo ng bigas ‘di gaya sa ilang pamilihan.
Kung mayroon mang ibinabagsak sa kanilang mababang presyo ng bigas, hindi rin ito tinatangkilik na ng nakararami dahil sa kalidad nitong madilaw at mabahong amoy.
‘Di gaya sa ibang pamilihan na mayroon ng P50 sa kada kilo na magandang klase na ng bigas dito sa Pasay, nananatiling P52 ang pinakamababang presyo na may magandang kalidad ng bigas.
Nanatili namang mataas ang ilang klase ng bigas gaya ng well milled rice na maalsa at mabango na naglalaro ang presyo sa hanggang P56 at special rice na umaabot ang presyo sa hanggang P70 kada kilo.