RICE SEED SUBSIDY DISTRIBUTION, NAKATAKDANG ISAGAWA SA SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng Rice Seed Subsidy Distribution ang Pamahalaang Lungsod ng Santiago para sa mga magsasakang Santiagueño.

Ito ay magsisimula sa October 21-November 11, 2024 mula alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Gunot Seed Farm, Brgy. Rizal, Santiago City.

Ang iskedyul ng naturang pamamahagi ng libreng binhi ay nakabase sa lokasyon ng sakahan o Irrigator’s Association kung saan mas mainam sundin ang nasabing iskedyul upang mapabilis ang proseso ng distribusyon.


Facebook Comments