Naniniwala si Senator Cynthia Villar na walang shortage o walang kakulangan sa suplay ng bigas.
Ayon kay Villar, sinasabi lang na may rice shortage para maipagbili sa mas mahal na presyo ang produkto.
Ang nakikita pang solusyon ng senadora ay ang pagtatakda ng price cap kaya naman sang-ayon siya sa ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos na magtakda ng price ceiling sa bigas.
Samantala, inilabas na ng Senate Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Villar ang committee report ng inaprubahan na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Kapag naging ganap na batas ang panukala, tulad sa smuggling ay ituturing na ring kasong economic sabotage at walang pyansa ang hoarding, profiteering at pagka-cartel ng mga agricultural products.
Facebook Comments