Manila, Philippines – Isasailalim sa evaluation ng Department of Justice (DOJ) ang mga hinahawakan nitong rice smuggling cases.
Ito ang pagtitiyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng mga apelang maghain ng kaso laban sa mga rice smuggler para matigil ang kanilang ilegal na aktibidad.
Ani Guevarra, personal niyang sisilipin ang bawat kaso na iniimbestigahan ng ahensya.
Kamakailan, hinimok ni Senador Cynthia Villar, chairperson ng committee on agriculture and food ang doj at Philippine Competition Commission (PCC) na parusahan kahit isang rice smuggler para ipakitang seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas laban sa rice smuggling.
Facebook Comments