Abot sa 555 na sako ng bigas ang naipamahagi National Food Authority (NFA) sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Rosita sa northern at central Luzon.
Mahigpit ang tagubilin ni Escarez ang kanilang mga field offices sa mga lugar na binagyo na ipagkaloob ang mga magandang kalidad na bigas sa mga LGUs at relief agencies.
Ayon kay OIC Administrator Tomas Escarez, halos nakuha na ng DSWD sa mga apektadong lugar ang naka pre-positioned na rice stocks na nakalaan para sa relief operations.
175 na sako ng bigas ang naipamahagi sa provincial government ng Isabela, 244 bags sa DSWD-La Union, 50 bags sa provincial government ng Pangasinan, 50 bags sa LGU ng Laoac, Pangasinan, 6 bags sa LGU ng Sta. Catalina at 30 bags sa LGU ng Caritas Nueva sa Ilocos Sur.
Tiniyak ni Escarez na may sapat na suplay ng bigas sa mga bodega nito sa mga nabanggit na rehiyon.
Inalerto na ang mga NFA local offices doon na mahigpit na makipag-ugnayan sa mga relief agencies para mabilisan na makapagpadala ng tustos na bigas.
Nag-deploy na rin ang NFA ng mga market monitoring teams para matiyak na hindi mananamantala ang mga tusong negosyante sa sitwasyon.