Rice subsidies para sa mga sundalo, at pondo para sa tertiary healthcare sa AFP Medical Center, inaprubahan na ni Pangulong Marcos

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rice subsidies para sa mga sundalo, at pondo para sa tertiary healthcare sa AFP Medical Center.

Sa New Year’s Call ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Malacañang ngayong araw, sinabi ng pangulo na dahil dito ay mabibigyan na ng libreng bigas ang mga sundalo.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, may pondo rin aniyang inilaan para sa tertiary health care sa AFP medical center para sa advance medical services at overall wellness support.


Tiniyak din ng pangulo ang kapakanan ng mga sundalo at kanilang pamilya sa itinaas na budget para sa taong ito.

Ang naturang hakbang ay patunay na suporta ng administrasyong Marcos sa revised AFP modernization program at sa Pension and Gratuity Fund (PGF) para sa finacial stability ng mga sundalo.

Facebook Comments