Rice subsidy program, inilunsad ng ilang mambabatas para sa mga taga-Zambales

Ang mahigit ₱450.00 na 10 kilo ng bigas ay may maaari nang mabili ngayon ng mga taga-Zambales sa halagang ₱200.00.

Ito ay makaraang ilunsad ng tanggapan ni Zambales 2nd District Representative Doris Maniquiz at ilan pang lokal na opisyal ang rice subsidy program para sa mga taga-Zambales.

Katuwang din sa programa sina Tingog Party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre at ang pitong Alagang Tingog Centers sa iba’t ibang lugar sa naturang probinsya.


Sa kasalukuyan ay umabot na sa 6,454 na pamilya mula San Felipe at 11,486 naman na taga-Palauig ang nakinabang sa nabanggit na rice subsidy program.

Facebook Comments