Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na on top of the situation ang pamahalaan sa issue ng supply ng bigas sa pamilihan.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng malaking pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado dahil umano sa kakulangan ng supply nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mismong si Cabinet Secretary Jun Evasco ang nangako na mayroong sapat na supply ng bigas ang bansa.
Patunay aniya dito ang 250,000 metric tons ng bigas na nasa National Food Authority (NFA).
Binigyang diin ni Roque na hindi hahayaan ng Pamahalaan na mabawasan ang supply ng NFA rice sa bansa.
Facebook Comments