Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na posibleng mabuwag ang National Food Authority (NFA) kapag isinulong ang rice tariffication bill.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mawawalan ng silbi ang NFA dahil paluluwagin ng panukala ang pag-aangkat ng bigas habang papatawan ito ng taripa.
Dagdag pa ni Roque, hindi naresolba ng quota system ang isyu ng rice supply.
Una nang naaprubahan sa Kamara ang panukala na layong resolbahin ang kakulangan ng supply at mapatatag ang presyo ng bigas.
Facebook Comments