Rice tariff cut, inaasahang magpapababa sa inflation rate

Para kay House Committee on Ways and Means chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda, magandang indikasyon ng pagtatag ng presyo ng mga bilihin sa bansa ang pasya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibaba sa 15% ang 35% na taripa sa imported na bigas.

Paliwanag ni Salceda, ito ay dahil ang presyo ng bigas ay pangunahing nakakaapekto sa inflation o bilis ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Kaya naman diin ni Salceda, tama ang hakbang ni Pangulong Marcos na tiyak makakatulong sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.


Bunsod nito ay iminungkahi naman ni Salceda na pag-ibayuhin ang pagsuporta sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund.

Ayon kay Salceda, lumobo na ang pondo ng RCEF sa ₱30 billion pesos kada taon kaya may sapat na pang-tugon sa pangangailangan ng sektor ng agrikultura.

Facebook Comments