RICE TARIFFICATION BILL | 74,875 na NFA rice, retailers, mawawalan ng kabuhayan

Abot sa 74,875 na NFA rice retailers sa buong bansa ang mawawalan ng hanapbuhay sakaling maging ganap na batas ang rice tariffication bill.

Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez, sa ilalim ng Rice Tariffication Bill, madedehado na ang mga maliliit negosyante ng bigas dahil ibubukas na sa pribadong sektor ang rice retailing at wholesaling ng pangunahing pagkaing butil.

Sa ngayon ayon pa kay Escarez, mayroong 15,892 na accredited retailers ang ahensya na nagbebenta ng NFA rice sa presyong P27 at P32/kilo.


Kapag nawalan na ng kabuhayan ang mga naturang rice retailers ay mapuputol na rin ang access ng mga consumers sa murang bigas.

Gayunman, sinabi ni Escarez na ngayon pa lamang ay naghahanda na ang ahensya para matiyak na magiging matatag pa rin ang suplay at presyo ng bigas sa mga pamilihan sa ilalim ng bagong papel ng NFA.

Sa ilalim ng panukalang batas, tutuon na lamang sa local procurement ng palay mula sa magsasaka ang gawain ng NFA at ipapasakamay na sa private sectors ang rice importation.

Facebook Comments