Manila, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Bill.
Layon ng batas na tanggalin ang mga restriction sa importasyon ng bigas sa bansa para mapababa ang presyo nito sa merkado.
Sa pamamagitan nito, matitiyak ng gobyerno na hindi na kakapusin ang murang bigas sa bansa.
Bukod dito, pinirmahan din ng Pangulo ang SSS Rationalization Act, New Central Bank Act, maging An Act Providing for Reasonable Rates for Political Advertisements.
Mayroong labing limang araw ang pamahalaan para mailabas sa official gazette at sa mga pahayagan ang batas bago ito maipatupad.
Samantala, nai-veto naman ng Pangulo ang coconut farmers industry trust fund at ang Tax Amnesty Act.