Rice tariffication bill, hindi ibabasura ng Pangulo – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi nakumbinsi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dahilan na inilatag ng ilang grupo na kumokontra sa rice tariffication bill.

Nakipagpulong kasi kay Pangulong Duterte ang ilang grupo para kumbinsihin ang Pangulo na i-veto o ibasura ang naturang panukala dahil ayon sa mga ito ay magiging negatibo ang epekto nito sa mga magsasaka.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi nakumbinsi ng grupo ang Pangulo at sinabi aniya ni Pangulong Duterte na ang naturang panukala ay para sa kapakanan ng mas nakararami.


Kaya sinabi ni Panelo na kahit pa may kumokontra ay mukhang itutuloy ni Pangulong Duterte ang panukala at lagdaan ito upang maging batas.

Pero sa kabila nito ay hindi naman masabi ni Panelo kung kailan lalagdaan ng Pangulo ang rice tariffication bill.

Facebook Comments