Rice Tariffication Law, dinipensahan ng Dept. of Agriculture

Ipinagtanggol ng Department of Agriculture (DA) ang Rice Tariffication Law.

Ito’y sa kabila sa ng planong kilos protesta ng grupo ng mga magsasaka sa tanggapan ng ahensya ngayong araw para ipawalang bisa ang batas.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, karapatan ng mga magsasaka na ihayag ang kanilang saloobin.


Pero giit ng kalihim na dapat matagal na dapat ipinapatupad ang Rice Tariffication Law.

Dagdag pa ni Dar na may mga programa ang gobyerno para tulungan ang mga magsasaka para itaas ang kanilang productivity at competitiveness.

Kabilang na rito ang pagbaba ng cost of input gaya ng fertilizers at pesticides, pagtatayo ng farm-to-market roads, pagpapabuti ng Irrigation Systems, at Diversify Crops.

Ang National Food Authority (NFA) ay bumibili ng palay sa mga magsasakang apektado ng pagbaba ng Farmgate Prices.

Una nang sinabi ng DA na hindi pwedeng ihinto ang pag-aangkat ng bigas hangga’t walang pag-a-amyenda sa batas o pormal na direktiba sa Pangulo.

Facebook Comments