Rice tariffication law hindi pa nalalagdaan ng Pangulo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa niya nalalagdaan ang rice tariffication bill na naratipikahan na ng Kongreso.

Sa interview kay Pangulong Duterte sa San Jose del Monte City kagabi ay sinabi nito na napakadaming dokumento na naka-pending sa kanyang tanggapan na aabot sa 6,000 papeles kaya hindi pa niya nalalagdaan ang naturang batas.

Matatandaan na layon ng batas na tanggalin ang mga restrictions sa importasyon ng bigas upang bahain ang merkado ng bigas na magpapamura ng presyo nito.


Nabatid na ngayong araw na ang huling araw para kay Pangulong Duterte para lagdaan bilang batas o i-veto ang nasabing panukala at kung hindi ay otomatiko na itong maisasabatas o laps into law.

Una na ring sinabi ng Malacañang na mayroong mga lumapit kay Pangulong Duterte para kumbinsihin ito na ibasura ang nasabing panukala pero hindi naman anila pumayag ang Pangulo dito dahil mas marami ang makikinabang sa rice tariffication bill.

Facebook Comments