Manila, Philippines – Sisimulan na sa Marso a-tres ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Ito ay batay sa napagkasunduan sa pulong ng National Food Authority (NFA) council sa layong maipababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Finance Spokesperson Assistant Secretary Antonio Lambino, inaprubahan rin sa pulong ang mosyon na nag-aatas sa NFA na magsumite ng restrictive plan sa loob ng 30 araw sa halip na unang plano na 180 days.
Maliban rito, inaprubahan rin ng council ang paglilipat function sa trabaho.
Inatasan rin ni Finance Secretary Carlo Dominguez ang National Economic and Development Authority o NEDA na alamin kung anong pondo ang matitipid kasunod ng restructuring ng NFA.
Facebook Comments