Rice Tariffication Law, nire-review ng Senado kasunod ng inaprubahang utos ni Pangulong Duterte na nagbababa sa taripa sa bigas

Nilinaw ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi pa nila hinihiling ang pagbawi sa Executive Order 135 na nagbababa sa taripa sa bigas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Sotto na nagkasundo ang ilang senador na pag-aralan muna ang nilalaman ng Rice Tariffication Law dahil sa posibleng implikasyon dito ng EO.

Aniya, posibleng sa araw na ito ay makapaglabas ng posisyon hinggil sa usapin ang Senado.


Facebook Comments