Rice Tariffication Law, pina-re-review ng isang senador

Hiniling ni Senator Raffy Tulfo sa Senado na repasuhin ang Rice Tariffication Law (RTL) dahil sa kabiguang tuparin ang pangako nitong maibaba ang presyo ng bigas.

Iginiit ng senador na maamyendahan ang batas upang matugunan ang mga pagkukulang.

Tinukoy ni Sen. Raffy sa kanyang privilege speech na bukod sa presyo ay wala ring pagbabago sa overall performance at productivity ng mga magsasaka.

Nahihirapan aniya ang mga magsasakang umaasa sa palay bilang kabuhayan na makipagsabayan sa mas murang presyo ng imported rice kaya napipilitan silang ibenta ang kanilang ani ng mas mababa sa farmgate prices ng lokal na palay.

Hindi rin maramdaman ng mga magsasaka ang benepisyong hatid ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng batas at napagalaman pa ang bulok na sistema ng ilang lokal na opisyal sa pamamahagi ng abono, binhi, rice credit at iba pang tulong.

Sa halip kasi na lehitimong magsasaka ang makinabang, inililista umano ng ilang tauhan ng local government unit (LGU) ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan para siyang makatanggap ng alokasyon.

Facebook Comments