Ipinasisilip ni Senator Risa Hontiveros sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ang implementasyon ng Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL).
Sa inihaing Senate Resolution 956 ni Hontiveros, tinukoy ng senadora na obligado na i-review ng Congressional Oversight Committee on and Fisheries Modernization ang batas sa katapusan ng ika-anim na taon mula nang ipatupad ang batas o sa darating na 2025.
Magkagayunman, kinakailangan muna ng preliminary investigation para matukoy ang saklaw at at iba pang mahahalagang standards para mas maging epektibo ang batas.
Ang ikakasang imbestigasyon ay makakatulong naman para mas mapaghusay pa ang implementasyon ng RTL bago ito mag-expire sa susunod na taon.
Sa kabila ng layunin ng batas na luwagan ang importation, exportation at kalakalan ng bigas, ay talamak pa rin ang technical smuggling ng bigas na umabot sa P7.2 billion noong 2023 habang ang National Food Authority (NFA) naman ay bigong makamit ang kinakailangan na buffer stock ng bigas na 300,000 metric tons kada araw.
Bukod dito ang benepisyo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na may taunang pondo na P10 billion sa loob ng anim na taon ay hindi napapakinabangan ng lahat ng mga magsasaka sa bansa dahil 14 percent lang sa 10 milyong magsasaka ang naka-register sa Registry of Basic Sectors in Agriculture at pito sa bawat sampung magsasaka ay walang bangko batay na rin sa Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas.