Inihain ni Senator Manny Pacquiao ang Senate Resolution number 554 para imbestigahan ng Senate Committee on Agriculture ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Pacquiao, nais niyang maamyendahan ang Rice Tariffication Law dahil sa halip na guminhawa ang buhay ay nagmistulang delubyo ito para sa limang milyong magsasaka sa bansa.
Sa pagdinig ay nais ni paquiao na mabusisi ang paggamit sa ₱10-Billion Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF para matignan kung may naidulot ba itong kabutihan para sa mga magsasaka.
Napag-alaman ni Pacquaio na kaya nababaon sa kahirapan ang mga magsasaka sa ilalim ng naturang batas ay dahil kulang at hindi umaabot sa lahat ang mga ayudang inilaan sa pamamagitan ng RCEF.
Dagdag pa ni Paquiao, hindi rin sapat na tanging sa mga makinarya at mga farm input lamang inilalaan ang RCEF dahil mas mahalaga para sa mga magsasaka na maibenta sa tamang presyo ang kanilang inaaning palay.