Una nang naiulat na naganap ang sunog sa bodega ng mga sako kaninang alas 3:00 ng madaling araw, Abril 24, 2022 kung saan nagsimula ito sa ikalawang building ng dating rice mill.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Senior Fire Officer 1 Joseph Tagulao ng BFP Cabatuan, bandang alas tres kaninang madaling araw nang may nakitang usok sa loob ng bodega kung saan inapula pa ito ng mga tao roon subalit kaninang alas 5:00 ng madaling araw ay bigla nanamang sumiklab ang apoy na agad namang itinawag sa BFP.
Limang (5) Fire Truck ng BFP at mga Volunteers ang nagtulong-tulong para maapula ang malaking apoy hanggang sa maideklang Fireout ang sunog bandang alas 8:20 kanilang umaga.
Wala namang nasaktan o naitalang casualty sa nangyaring sunog maliban sa pagkakasunog ng mga nakatagong sako at makina sa loob ng dating rice mill.
Kasalukuyan pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP Cabatuan hinggil sa nangyaring sunog.