Rich Asuncion, buntis na; Alden Richards, flattered na mas pinili ni Kris Aquino kaysa kay Joshua Garcia

Manila, Philippines – Thankful at feeling bless ngayon ang aktres na si Rich Asuncion matapos nitong ibalita na siya ay buntis na.

Sa kaniyang instagram account, isinabay nito ang anunsiyo na siya ay buntis sa pagdiriwang ng birthday ng asawang si Benjamin Mudie na siyang Filipino-Australian rugby player.

Nagulat at natuwa naman ang mister na si Mudie sa rebelasyon ni Rich kung saan excited na agad ito na maging tatay.


Matatandaan na naging simple lang kasal ng dalawa noong Mayo 28 sa Hong Kong na dinaluhan ng kanilang pamilya at kaibigan.

Samantala, nasorpresa raw si Alden Richards nang malaman ang balitang mas pinili daw siya ni Kris Aquino, bilang potential boyfriend sakaling magkaedad sila ngayon.

Aminado si Alden na na-flattered siya sa naging pahayag ni Kris kung saan mas gugustuhin daw siguro siya ng aktres kaysa kay Joshua Garcia dahil boyfriend na ito ni Julia Barreto.

Say pa ni Alden, nakakataba din daw ng puso at nakaka-humble ang mga papuri ni Kris lalo na nang sabihin nito na nais siyang maka-trabaho ng Queen of All Media bilang anak niya sa isang pelikula kung mabibigyan sila ng pagkakataon.

Facebook Comments