Manila, Philippines – Mas lalo pang yumaman ang karamihan ng mga tinaguriang rich tycoons sa Pilipinas.
Base sa Forbes Philippines 2018 rich list, binanggit dito ang top 50 na pinakamayamang tao sa bansa.
Namamayagpag pa rin sa loob ng 11 taon at nananatiling pinakamayamang tao sa bansa ang mall magnate na si Henry Sy na may net worth na $18 billion.
Ikalawa sa pinakamayaman ay si Manny Villar na net worth na $5.5 billion.
Naungusan ni Villar si John Gokongwei, na bumaba sa ikatlong pwesto na may networth na $4.4 billion.
Ikaapat si Jaime Zobel De Ayala na may networth na $4 billion.
Kukumpleto sa top 5 ang Ports and Casino Magnate Enrique Razon na may net worth na $3.9 billion.
Umakyat naman sa ika-anim na pwesto ang may-ari ng isang sikat na fastfood chain na si Tony Tan Caktiong na may $3.85 billion net worth.
Bumaba sa ikapitong pwesto si Lucio Tan na may net worth na $3.8 billion.
Tumaas sa ikawalong pwesto si Ramon Ang na may $2.85 billion net worth.
Pasok sa top 10 sina George Ty ($2.75 billion net worth) at Andrew Tan ($2.6 billion net worth).