Richard Gomez, handa na sakaling makipag-date ang anak na si Juliana Gomez

57

Wala raw kaso sa aktor na si Richard Gomez kung makipag-date ang kanilang unica hija na si Juliana.

Noon pa man ay may nakikita na siyang umaaligid sa kaniyang anak at wala naman siyang nakikitang mali sakaling may magyayayang lumabas dito.


Say pa ni Goma, mas mabuti na ito kesa tumakas si Juliana para lang makipag-date.

Pinaalalahanan naman ni Richard si Juliana na maging responsable sa lahat ng bagay at gawin lamang ang mga bagay na makakapagpasaya sa kaniya.

Facebook Comments