Richard Gomez, nag-share ng fake news

Usap-usapan ngayon sa social media si Ormoc City Mayor Richard Gomez matapos itong mag-share ng isang fake news sa kanyang Twitter account.
Ang fake news ay tungkol sa di umano’y pahayag ni Queen Elizabeth II ng United Kingdom kay President Rodrigo Duterte na may headline na “Queen Elizabeth: ‘Who Who Would Have Thought That One Day Philippines Will Get A Brave man Like Duterte?’”
Nagpost ang actor-politician na isang news item tungkol kay Philippine President Rodrigo Duterte sa diumano’y sinabi ng reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II dito.
Walang anumang sinabi si Richard sa kanyang post ngunit lumalabas na ang artikulo ay mula sa isang fake news website na britana.altervista.org.
May ilang netizens naman ang nagpayo kay Richard na alamin muna kung tunay ang news bago mag-post sa social media.

Facebook Comments