Richard Gutierrez, naabswelto na sa kasong homicide

Showbiz – Matapos ang walong taon naabsuwelto na ang aktor na si Richard Gutierrez sa kasong homicide.

Batay sa desisyon ng Cavite Regional Trial Court, walang sapat na ebidensyang magpapatunay na kasalanan ng aktor ang car accident na kinasangkutan nila ng kaniyang nasawing personal assistant na si Norman Pardo.

Ayon sa kampo ni Pardo, masyadong mabilis ang pagmamaneho ng aktor kaya sila naaksidente.


Pero depensa ni Richard, madulas ang kalsada noon dahil umuulan.

Tiniyak naman ng aktor na sunod niyang pag-tutuunan ng pansin ang P38 milyon tax evasion case na isinampa laban sa kaniyang noong 2012.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments