Richard Gutierrez, willing daw maka-trabaho ang dating girlfriend na si Anne Curtis sa pagbabalik showbiz sa kapamilya network

166

Manila, Philippines – Dream come true daw para sa actor na si Richard Gutierrez na makatrabaho ang ilang stars ng kapamilya network lalo na ang dati nitong girlfriend na si Anne Curtis.

Ayon kay Richard, wala naman daw problema kung makatrabaho niya muli si Anne dahil naging magkaibigan pa din man sila matapos ang relasyon pero medyo nahhirapan daw siya sa mga sunod-sunod na schedule.


Sa pagpasok naman ni Chard sa kaniyang bagong network magkasabay niyang gagawin ang teleseryeng “La Luna Sangre” at ang Star Cinema movie na “Wife, Husband, Wife.”

Magsisimula na mapanood ang kanilang teleserye sa darating na Lunes, Hunyo 19 habang makakasama naman niya sa gagawing pelikula sina Angelica Panganiban at Angel Locsin.

DZXL558

Facebook Comments