Ibinahagi ng magkarelasyong Rico Blanco at Maris Racal kung paano ba nila nama-manage ang kanilang romantic at working relationship.
Sa interview ng isang music live streaming sa dating Rivermaya frontman na si Rico, ibinahagi nito ang pagiging girlfriend at music collaborator ni Maris sa kaniya.
Say ng aktor, sa mundo ng musika isang malaking bagay ang pagiging magkarelasyon ng dalawang tao.
Lalo kasi aniya itong nakakadagdag ng dating sa mga audience at fans dahil sa pagkakaroon romantic ambiance.
Matatandaang nitong Mayo nang kinumpirma ni Maris ang relasyon nito kay Rico kung saan una silang nagsama sa single album ng aktres na “Abot Langit” noong May 2019.
Facebook Comments