RIDER AT BACKRIDE, SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTOR AT GARONG SA MANGALDAN

Sugatan ang isang rider at backrider nito matapos maaksidente sa kahabaan ng National Road sa Barangay Buenlag, Mangaldan.

Ayon sa ulat, parehong direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan kung saan nasa unahan ng motorsiklo ang garong. Bigla umanong bumangga sa likurang bahagi ng garong ang motorsiklo dahil bigo umanong mapansin ang tail light nito.

Dahil dito, parehong nahulog ang drayber at pasahero ng motorsiklo sa kalsada at nagtamo ng mga sugat.

Ang mga biktima ay agad na isinugod sa ospital upang magamot.

Pareho namang napinsala ang dalawang sasakyan at motorsiklo na dinala rin sa himpilan ng kapulisan para sa tamang disposisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkasira ng tail light ng isa sa mga motorsiklo bilang posibleng dahilan.

Pinapayuhan ang mga residente ng Mangaldan at mga motorista na maging maingat sa kalsada at tiyaking maayos ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang mga ganitong aksidente sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments