RIDER AT MAG-AMA, NASAWI SA SALPUKAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA BASISTA

Tatlong katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na bata, ang nasawi matapos masalpok sa isa pang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Dumpay, Basista, Pangasinan noong Marso 17, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, patungo umanong San Carlos City ang 24-anyos na delivery rider gamit ang kanyang motorized tricycle.

Habang binabaybay nito ang kalsada, bigla umanong lumiko sa kanyang linya ang isang motor na minamaneho ng isang 29-anyos na construction worker sakay ang kanyang tatlong taong gulang na anak, sanhi ng salpukan ng dalawang motorista.

Dahil sa banggaan, parehong nahulog ang dalawang sasakyan sa kalsada.

Agad na isinugod ang delivery rider sa ospital sa Bayambang habang dinala naman ang mag-ama sa ospital sa San Carlos City, kung saan idineklarang dead on arrival ang parehong driver at menor de edad..

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang nasawing rider.

Abiso ng mga awtoridad sa publiko na huwag magmaneho nang lasing at siguraduhing may lisensya at helmet upang maiwasan ang kaparehong trahedya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments