RIDER NA NANGALADKAD NG ASO SA CALASIAO, PANGASINAN, NATUNTON NA

Natunton na ng mga awtoridad ang rider na nakuhanan sa isang viral video habang nangaladkad ng aso sa Banaoang, Calasiao, Pangasinan.
Matapos umani ng matinding reaksyon mula sa publiko, dumepensa ang hindi pa pinangalanang rider at iginiit na mabagal lamang umano ang kanyang pagpapatakbo. Dagdag pa niya, halos nakakasabay pa raw ang aso sa kanyang motorsiklo at sinubukan pa niya itong isakay nang siya ay masita.
Ayon sa barangay, hindi residente ng lugar ang naturang rider kung saan kuha ang insidente.
Samantala, naglabas ng pahayag ang pulisya na mariing kinokondena ang nasabing insidente at kasalukuyan nang inihahanda ang kasong isasampa laban sa rider, partikular ang paglabag sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998.
Kinumpirma naman ng Municipal Veterinary Office ng Calasiao na nasa maayos na kalagayan ang asong sangkot sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments