
Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng armas sa kanyang motorsiklo sa Bypass Road, Brgy. Dupac, Asingan, Pangasinan.
Bago ito, nasangkot sa aksidente ang rider matapos aksidente mabangga ang likurang bahagi ng isang kotse.
Nayupi ang bahagi ng kotse habang nasira naman ang rim ng gulong ng motorsiklo.
Sugatan ang rider dahil sa insidente at agad nadala sa pagamutan ngunit inaresto rin matapos mahulihan ng calibre 45 na baril at live ammunition sa top box ng motorsiklo.
Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









