Nasawi ang isang 28-anyos na lalaki matapos sumalpok sa poste ng kuryente at mahulog sa canal sa Barangay Apaya, Malasiqui, Pangasinan.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, tinangay umano ng biktima ang motorsiklo ng kaibigan nang walang paalam matapos makipag-inuman.
Habang minamaneho ang naturang motor, nawalan umano ito ng kontrol, dahilan ng pagkaka salpok sa poste ng kuryente at pagkakahulog sa canal. Dahil sa insidente, nagtamo ang biktima ng malubhang sugat sa ulo.
Agad siyang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara siyang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments