RIDER, NASAWI MATAPOS MABANGGA NG TRUCK SA ROSALES, PANGASINAN

Idineklarang dead on arrival ang isang 28 anyos na rider matapos itong mabangga ng truck sa Rosales, Pangasinan.

Ayon sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya, habang parehong binabagtas pahilaga ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Brgy. Carmen East Rosales, Pangasinan, pagdating sa lugar ng insidente, nabangga ng truck driver ang nasa harapan nitong motor dahilan ng pagkahulog ng rider.

Sa kasamaang palad ay nasagasaan pa ito at agad ding isinugod sa pagamutan bagamat binawian ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments