RIDER, NASAWI MATAPOS MAHAGIP NG KASALUBONG NA SASAKYAN SA SAN JACINTO, PANGASINAN

Tumilapon sa labinlimang metrong layo mula sa pinangyarihan ng insidente ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo sa San Jacinto, Pangasinan.

Ito ay matapos ang banggaan sa kasalubong nitong sasakyan sa kahabaan ng Brgy. Sta. Maria sa nasabing bayan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay San Jacinto Police Station, Deputy Chief of Police, PCpt. Philip S. Belly, naganap ang insidente habang binabagtas ng dalawa ang magkasalungat ng direksyon sa national highway.

Dahil sa tinamong mga matinding sugat sa katawan, nasawi ang driver ng motor.

Ayon kay Belly, nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.

Paalala ni Belly sa mga motorista ang ibayong pag-iingat sa gabi, lalo ngayong napapadalas na rin ang tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments