Nasawi ang isang 33 anyos na rider matapos masalpok ng kasunod na trak sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Cabaroan, Bacnotan, La Union.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad,biglang nasalpok ng trak ang nakaparadang rider lulan ng kanyang motorsiklo dahilan upang tumilapon ito.
Nagtamo ng matinding sugar sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit pumanaw din habang sumasailalim sa operasyon. Nasa kustodiya ng awtoridad ang driver ng trak para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments