RIDER, NASAWI MATAPOS TUMILAPON SA PADER SA STA. BARBARA

Nasawi ang isang rider matapos lumusot at tumilapon sa bakal na pader sa Brgy. Poblacion Norte, Sta Barbara, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang 22 anyos na lalaki, residente sa bayan.

Ayon sa imbestigasyon, tumilapon sa bakal na pader ang biktima kasama ang isang menor de edad na backride nito habang binabaybay ang kurbadang bahagi ng naturang lugar.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima at agad nadala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Kasalukuyan naman nagpapagaling ang backride nito na nasugatan rin sa insidente.

Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang napinsalang sasakyan para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments