Rider ng Motorsiklo, Patay Matapos Sumalpok sa Kuliglig!

692

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang kuliglig sa pambansang lansangan ng Brgy Raniag, Ramon, Isabela.

Kinilala ang biktima at drayber ng Suzuki Raider 150 na may plakang BE 12541 na si Leo Alluad, 35 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Ramon, habang binabaybay ng biktima ang lansangan ay nag-overtake ito sa sinusundang sasakyan sa kanang bahagi ng daan.

Hindi agad napansin ng biktima ang nakaparadang kuliglig sa gilid ng daan na pagmamay-ari ni Claudio Divera, 51 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San Antonio, Ramon, Isabela kaya’t sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Nasa kustodiya na ng PNP Ramon ang kuliglig at motorsiklo para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers