Quezon City – Patay ang isang rider matapos mabangga ng provincial bus sa Quezon Ave. fly over kagabi.
Duguan ang ulo ng biktima matapos tumama sa windshield ng bus.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan si Ramiro Jr. Barsamina 29 taong gulang isang investigation agent ng Department of Justice.
Ayon sa mga saksi, bigla nalang binangga ng bus ang motorsiklo ng biktima.
Depensa ng driver ng 5 star bus na si Crispin Figueroa, may pinulot ang rider na gamit sa kalsada kaya nya ito nabangga.
Samantala ayon sa rescuer namatay na ang biktima matapos nilang isugod sa East Ave. Medical Center.
Facebook Comments