Rider, Patay sa Salpukan ng Motorsiklo at Sasakyan!

Cauayan City, Isabela- Binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang rider matapos na bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Provincial Road ng Barangay Victoria, Aglipay, Quirino.

Kinilala ang namatay na si Lorenzo Infante, 27-anyos, hiwalay sa asawa at residente ng Barangay San Leonardo, Aglipay, Quirino.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabagtas ng biktima ang pakurbang bahagi ng lansangan lulan ang minamanehong motorsiklo nang mawalan siya ng kontrol sa manibela kaya’t sumalpok ito sa kasalubong na Tamaraw FX na may plakang UCA 618 na minamaneho ni Andres Ag-a, 62-anyos, residente ng Barangay Victoria ng nabanggit na bayan.


Sa lakas ng banggaan, tumilapon si Infante ng halos 7 metro sa gilid ng kalsada habang ang sasakyan ay napadpad sa bakanteng lote na may halos 30 metro mula sa kalsada.

Agad namang sumuko sa himpilan ng pulisya si Ag-a para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments