Rider, sugatan matapos mahagip ng tren sa Calamba City, Laguna

Sugatan ang babaeng rider matapos mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Calamba City, Laguna nitong Martes, Agosto 19.

Malakas na ang busina ng paparating na tren ngunit pinilit pa rin ng motorsiklo na dumiretso na nagresulta sa pagkakasagi rito.

Tumalipon ang rider nang masagi ito ngunit hindi naman napuruhan.

Nangyari ang insidente sa PNR crossing sa Bypass Road, sakop ng Barangay Bucal, Calamba City, Laguna kung saan nawasak ang motorsiklo dahil sa naturang aksidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, patungong southbound direction ang tren.

Tumigil din pansamantala ang tren dulot ng aksidente.

Mabilis namang tumulong ang mga tauhan ng Calamba City Public Order and Safety Office at MDRRMO para bigyan ng pangunahing lunas ang biktima na daliang isinugod sa pagamutan.

Facebook Comments