Sugatan ang isang rider matapos mahagip ng truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng national road sa Barangay Caoayan, Sual, Pangasinan, hapon ng Marso 9, 2026.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa patungong eastbound ang motorsiklo at truck kung saan nasa unahan ang rider.
Mula sa motorcycle lane ay nagtangkang pumasok sa main lane ang motorsiklo na naging dahilan upang mahagip ito ng truck.
Dahil dito, nagtamo ng sugat ang 62-anyos na rider at agad na isinugod sa Sual Primary Care Infirmary Facility kung saan siya kasalukuyang nagpapagamot.
Samantala, hindi naman nasugatan ang 41-anyos na driver ng truck.
Dinala naman sa Sual Municipal Police Station ang dalawang sasakyan para sa kaukulang disposisyon habang inaalam pa ang halaga ng pinsala ng mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







