
Isang lalaking rider ang sugatan matapos magsalpukan ang minamanehong motorsiklo at isang SUV sa Brgy. Malimpec, Basista, Pangasinan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, patawid papasok ng kabilang kalye ang SUV nang bumangga ang paparating na motorsiklo.
Dahil sa lakas ng salpukan, nawalan ng kontrol ang rider at tumilapon sa kalsada, dahilan upang magtamo siya ng sugat sa ulo.
Agad siyang dinala sa pagamutan.
Lumabas din sa pagsusuri na positibo sa alak ang naturang driver at hindi nakasuot ng helmet nang mangyari ang insidente.
Samantala, ligtas naman ang driver ng SUV at ang kanyang pasahero ngunit dinala rin sila sa ospital para sa medikal na pagsusuri.
Parehong nasira ang dalawang sasakyan na ngayon ay nasa kustodiya ng Basista Police Station para sa kaukulang disposisyon.









