Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Bong Bayubay, co-founder ng Isabela Knights Rider’s Club, sinabi niya na mabigat sa bulsa sa mga katulad niyang rider at motorista ang P5,000 na multa pagnahuli ng LTO.
Aniya, bagama’t una nang ipinatupad ng LTO ang multa na 5,000 pesos ay kanyang iminumungkahi na ibaba ang bayad sa multa ng mga mahuhuli.
Dagdag pa niya, dapat ang mga modified na top box at saddle bags nalang ang dapat hulihin ng LTO.
Paliwanag niya, ang mga nabibiling top box at saddle bag naman sa merkado ay dumaan sa proseso at alinsunod sa sukat na binigay ng LTO kung kaya’t itoy ligtas namang gamitin.
Noong 2016 ng unang nagpalabas ang LTO ng memorandum sa paghuli sa mga ‘di rehistradong top box at saddle bags ngunit kamakailan lamang ay naglabas muli ito ng bagong memorandum na nagsususpinde ng paghuli sa motorsiklo na may top box at saddle bags.